-- Advertisements --

Isasailalim ngayong araw sa masusing medical check-ups ang mahgiit na 400 na persons deprived of Liberty (PDL) sa Pasay City Jail.

Ito ay matapos umano na nagkitaan sila ng sintomas ng tuberculosis.

Ayon sa warden ng nasabing Pasay City Jail, na ito ang inisyal na lumabas sa isinagawang X-ray sa mga PDL.

Dahil dito ay naka-isolate na ang mga ito para hindi na makahawa pa.

Ang pagsasailalim sa kanila ng medical check ups ay para malaman kung kailangan pa nila ng gamutan sa nasabing sakit.