-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia vessels na na-monitor ng Armed Forces of the Philippines sa Scarborough Shoal.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, sa ngayon ay mayroong apat na CCG vessels at 20 CMM vessels ang namataan sa naturang lugar.

Mas mataas ito kumpara sa karaniwang dalawang barko ng CCG na idine-deploy sa naturang lagoon ngunit gayunpaman ay hindi pa malaman sa ngayon ng Hukbong Sandatahan ang dahilan sa dagdag deployment ng mga barko ng China sa Scarborough Shoal.

Samantala, bukod dito ay iniulat din ni Col.
Padilla na mayroon ding namataan na isang CCG ship at apat na CMM vessel sa bisinidad malapit sa Ayungin Shoal.

May Isa pang CCG vessel, 14 na CMM vessels, at Isa ring People’s Liberation Army Navy ang ni-spot-an malapit sa Pagasa Island, habang may tatlo rin barko ng CMM ang na monitor sa Panatag shoal.