-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mahigit tatlumpung wanted person ang nadakip sa magkakahiwalay na operasiyon ng iba’t ibang unit ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Batay sa talaan ng IPPO 34 na wanted person ang kanilang nadakip kabilang si Rowell Ramirez na number 3 most wanted person Regional Level na may kasong panggagahasa sa Reina Mercedes, Isabela.

Nahuli naman ang ilan pang Wanted Person na may kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (anti-illegal gambling law) sa mga bayan ng Delfin Albano, San Pablo, Tumauini, Cabagan at Roxas.

Nadakip din ang ilang tao na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence against women and their children act) at act of lasciviousness sa mga bayan ng Jones, Mallig, Benito Soliven, Sta Maria, Angadanan, Tumauini, Lunsod ng Ilagan at Lunsod Cauayan.

Ilan pang wanted person din ang nadakip sa mga bayan ng Angadanan, Luna, San Mariano, Gamu, Naguilian at Cordon.

Nakatakdang isailalim sa dokumentasyon ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.

Babala ng mga awtoridad sa mga may kinakaharap na kaso na sumuko na lamang ng kusa para maiayos ang mga kaso na kanilang kinakaharap at iwasan na rin ang pagtatago.