-- Advertisements --

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Most Rev. Charles Brown, ang unang araw ng National Retreat for Priests 2023 kahapon na isinagawa sa IEC Convention Center nitong lungsod ng Cebu.

Sa kanyang homily, ipinaalala ng Apostolic Nuncio sa mga pari na sa buhay, iisa lang ang kailangan — ang sambahin ang Panginoon, ang makasama Siya sa panalangin, dahil mula doon, susunod na ang lahat.

Ito ay tatlong araw na retreat, na nagsimula kahapon Nobyembre 7-9, 2023.

Mahigit 2,000 libong pari kabilang ang 30 obispo mula sa buong Pilipinas ang nakikilahok sa pagtitipon na ito.

Ngayong taon ay ang pinakamalaking pagtitipon ng mga pari sa bansa pagkatapos ng Covid-19 pandemic.

Kahit na ang programa ay inilaan para sa mga pari, ayon pa sa mga organizer na ang kaganapan ay makabuluhan din sa mga ordinaryong tao, ang tapat na komunidad.

Panahon din umano ito para maunawaan ng mga ordinaryong tao na ang mga pari ay tao lang at dapat din silang ipagdasal ng mga tao.