-- Advertisements --

Tinatayang aabot sa 217 na E-sabong websites at iba pang online platforms na may kaugnayan sa iligal na operasyon ng e-sabong sa bansa ang ipinablocked at tuluyang ipinasara ng Philippine National Police bilang pagtalima sa kampanya laban sa online sabong.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Zzurin Jr., ang kanilang tanggapan ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Information and Communication Technology o DICT upang ma monitor ang daan-daan pang platform na ginagamit sa operasyon ng E-sabong sa bansa.

Una rito, ipinag utos noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng online sabong dahil sa mga ulat na marami ang nalululong sa naturang sugal.

Na trigger pa ang naturang desisyon matapos kumalat ang mga balita tungkol sa mga nawawalang manlalaro nito.

Ang desisyong ito ni duterte ay ipinagpatuloy naman ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi pa ni Zzurin na inirerekumenda ng PNPe anti- cybercrime group ang pagsama ng e-sabong sa mga illegal gambling activities na pinaparusahan sa ilalim ng presidential decree 1602; at parusa naman laban sa service providers na bigong I blocked o I-take down ang mga e-sabong websites.