-- Advertisements --

Aabot sa 24 na warplanes mula Tsina ang na-detect na umaaligid sa Taiwan, ilang araw matapos manalo ang kandidato ng Democratic Progressive Party na si Lai Ching-te sa Taiwan presidential elections.

Itinuturing kasi ng Tsina na “seperatist” ang president-elect ng Taiwan.

Kung babalikan, binalaan ng Tsina ang mga botante ng Taiwan na magkakaroon ng “war and decline,” kapag nanalong pangulo si Lai.

Nagkalat din sa paligid ng maliit na lalawigan ang 5 pang barko.

Nasa 11 naman sa 24 na detected warplanes ang lumagpas na sa median line ng Taiwan Strait.

Ang pagpasok ng mga sasakyang pandigma ng Tsina ay naghuhudyat ng “gray zone,” o ang hindi malinaw na hudyat sa pagitan ng giyera at kapayapaan.

Kung babalikan minsan nang nagpadala ang Tsina ng 103 Chinese aircraft, kung saan 40 dito ay lumagpas din sa median line, Nobyembre noong nakaraang taon.