-- Advertisements --

Humigit-kumulang 1,200 katao ang inilikas mula sa isang campsite matapos sumiklab ang dalawang magkahiwalay na wildfire malapit sa isang beach sa France.

Bagama’t may mga nakontrol nang sunog, patuloy namang kumakalat ang isa pa dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon.

Nahihirapan kasi ang mga awtoridad na makapasok sa lugar, kaya mabilis na kumakalat ang sunog sa kagubatan.

Inilipat naman sa isang evacuation shelter ang mga residente at turistang naapektuhan ng wildfire.

Patuloy na nakararanas ng matinding wildfire ang France at iba pang bahagi ng Europe dahil sa tumitinding heatwave at pabago-bagong klima.

Ayon kay French Environment Minister Monique Barbut, maaaring umabot na sa 15 billion euro o mahigit P1 trillion ang pinsala dulot ng mga heatwave sa bansa.