-- Advertisements --

Nasa mahigit 120,000 katao na ang sumailalim sa unang araw coronavirus testing sa Hong Kong.

Nagtiyagang pumili ang mga residente sa lugar sa mahigit 100 testing centers.

Hinikayat ni Hong Kong Leader Carrie Lam ang mga mamamayan na huwag batikusin ang kanilang programa at tignan nila itong patas at sa positibong aspeto.

Ang nasabing COVID-19 testing programme ay isinasagawa sa tulong na rin ng mga medical staff mula sa mainland, China.

Ayon sa mga kritiko ni Lam na ang nasabing testing ay maaaring gamitin para kumuha ng mga DNA samples at personal data na maaaring gamitin laban sa kanila.

Isa umano itong uri ng China-Style survelliance ang nasabing testing.

Magugunitang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng pro-democracy groups sa Hong Kong at Chinese government matapos na ipatupad ng Beijing ang bagong national security law noong Hunyo.