Nagsumite na ng kaniyang courtesy resignation ang Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na si Rafael Consing Jr.
Sinabi ni Consing, kahapon siya nagsumite ng kaniyang qualified courtesy resignation.
Matatandaan na ang MIC ay itinatag sa ilalim ng Republic Act 11954 na inatasang pangasiwaan ang Maharlika Investment Fund o ang kauna unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas.
Mandato nito na lumikha ng pangmatagalang kita mula sa mga strategic investments ng bansa para patatagin ang national assets at makatulong na makalikha ng mga trabaho at paghusayin ang pamantayan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa buong bansa.
” I have submitted my unqualified courtesy resignation, which was received yesterday,” mensahe ni MIC Pres at CEO Rafael Consing Jr.