Dapat pagkatiwalaan ng Pilipinas ang China kaugnay sa naging pag-uusap ng dalawang bansa hinggil sa isyu ng West Philippine Sea.
Ito ang laman ng mensaheng ipinadala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Lorenzana, sa nakalipas na pagbisita ng Pangulong Duterte sa China ay nagkasundo ang kani-kanilang bansa na maging “civil” sa hindi pagkakaunawaan sa West Philippine Sea.
Bilang isang “regional power” aniya ay walang dahilan para pagdudahan ang salita ng China at ang relasyon ng PilipInas at China ay hindi lang nakasentro sa pag-aagawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Mas marami anyang usapin kung saan maAaring kapwa mag-benepisyo ang dalawang bansa tulad ng kalakalan at Turismo.
Sa ngayon aniya ay nasimulan na ang mga inisyal na hakbang sa gagawing joint exploration.
Giit pa nito NA kailangan lang magtiwala sa China, pero kailangan ding mag-ingat ng Pilipinas lalo na sa joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea.
“The devil, as they say, is in the details later on when we go on joint development of the resources in the West Philippine. Let us trust, but we must also be cautious,” pahayag ni Sec. Lorenzana.
Nagkasundo kasi ang Pilipinas at China na bumuo ng grupo para maisipinal na ang kasunduan sa gagawing joint exploration na resulta sa bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping.