Nagpapatuloy pa ngayon ang isinagawang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa tatlong suspek na nagpaulan ng bala sa pamamahay ng isang magsasaka habang ito’y natutulog kaninang alas 12 ng madaling araw, Hulyo 21, sa Sitio Amaga, Barangay Bayong, bayan ng Balamban, Cebu.
Nakilala ang biktima Melquiades Telebrico, 73 anyos na nagtamo ng tama sa leeg dahilan sa agarang pagkamatay nito .
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay PLt Col Glenn Hife, hepe ng Balamban Police station, sinabi nitong natukoy na ang pagkakakilanlan ng mga suspek ngunit tumanggi itong pangalanan dahil patuloy pa aniya ang kanilang pagtugis sa mga ito.
Sinabi pa ni Hife na mga kamag-anak lang mismo ng live-in partner ng biktima ang mga suspek.
Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, inihayag pa ni Mary Ann Cordezar, live-in partner ni Telebrico na habang natutulog sila ay bigla nalang siyang nakarinig ng mga putok.
Matapos ang insidente, nakita at narinig pa umano ni Cordezar ang pag-uusap ng mga suspek.
Narekober naman sa crime scene ang 9 na empty shell ng caliber 9mm at isang slug.
Tinitingnan pa nilang motibo sa pagpatay ay alitan sa lupa kung saan hindi pa nagustuhan ng mga suspek ang hatian sa lupa.
Sa ngayon, patuloy pa ang kanilang isinagawang imbestigasyon at nanawagan din ito sa mga suspek na sumuko nalang.










