-- Advertisements --

Tinambakan ng Magnolia Timplados ang Terrafirma 127-94 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Sa simula pa lamang ay dominado na ng Magnolia para makuha ang limang panalo at wala pa ng talo sa laro na ginanap sa Ynares Center.

Nanguna sa panalo ng Hotshots si Zavier Lucero na nagtala ng 17 pointsat siyam na rebound habang mayroong 13 points si Paul Lee.

Nasayang naman ang nagawang 19 points, 12 rebounds at pitong assists ni Louie Sangalang.

Ito na ang pang-apat na sunod na talo ng Dyip kung saan mayroon lamang silang isang panalo.