-- Advertisements --
Tumipa ng 45 points si Nick Rakocevic para madala ang Magnolia sa panlao nila kontra Terrafirma 100-92 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Bukod pa sa nasabing puntos ay nagtala rin ang Serbian import ng Magnolia ng 25 rebounds at dalawang assists at dalawang blocks.
Umabot pa ng 15 puntos ang kalamangan ng Hotshots hanggang napababa ito ng Dyip.
Nasayang naman ang nagawang 41 points ni Lester Prosper kung saan mayroong dalawang talo na ang Dyip at wala pang panalo.