-- Advertisements --

Nananatiling wala pang talo ang Magnolia Hotshots sa PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na talunin nil aang NLEX Roadwarriors 111-97 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo si Nick Rakocevic na nagtala ng 36 points at 15 rebounds.
Habang mayroong 18 points, walong assists, anim na staeals si Jio Jalalon at 16 points, apat na assists si Mark Barroca.

Ikinatuwa naman ni Magnolia coach Chito Victolero ang panalo dahil sa ipinakitang sipag ng kaniyang mga manlalaro.

Nasayang naman ang tig-16 points nina Justin Chua at Kevin Alas ng NLEX.