Niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang baybayin ng estado ng Chiapas sa Mexico, dahilan upang maglabas ng tsunami warning ang mga awtoridad at maramdaman ang pagyanig sa Guatemala at El Salvador.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), tumama ang lindol malapit sa bayan ng Puerto Madero sa lalim na humigit-kumulang 10 kilometro.
Kasunod ng pagyanig, naglabas ang U.S. Tsunami Warning System ng babala na posibleng magkaroon ng tsunami waves sa mga baybaying nasa loob ng 300 kilometro mula sa epicenter ng lindol.
Sa Guatemala City, napaulat na malakas na naramdaman ang lindol upang magmadaling lumikas ang ilang residente palabas ng kanilang mga tahanan.
Ayon sa ulat, nagsagawa rin ng evacuation ang mga empleyado sa isang gusali ng pamahalaan bilang bahagi ng ipinatutupad na safety protocols.
Naramdaman din ang pagyanig sa El Salvador, nang may katamtamang lakas sa kabisera ng kanilang estado, ngunit wala pang naitatalang malaking pinsala o nasawi.
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon habang isinasagawa ang assessment sa mga posibleng epekto ng lindol.










