-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muling nakaranas ng malakas na pagyanig ang probinsiya ng Manay Davao Oriental.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs) sentro ng Magnitude 6.1 na lindol ang silangang bahagi ng Manay.

May lalim itong 21 kilometros at Tectonic ang origin nito.

Sa mga reported intensities na nasa Intensity IV – Manay, Davao Oriental, Intensity II – General Santos City; Tampakan, South Cotabato.

Habang sa Instrumental Intensities nasa Intensity II – Davao City; Bislig City; Kidapawan City; General Santos City.

Wala umanong aasahan na pinsala ngunit patuloy na mararanasan ang mga aftershocks.

Kung maalala sa nakaraang mga araw, nakaranas rin ng mga pagyanig ang nasabing lalawigan dahilan na maraming empleyado at mga estudyante ang nagsilabasan sa mga gusali.

Pinaalalahanan naman ng ahensiya ang publiko na gamitin ang mga natutunan sa mga earthquake drills at iwasan na mag-panic.