-- Advertisements --
Nakapagtala ng magnitude 5.4 na lindol sa karagatan ng Cagayan kaninang tanghali, ayon sa Phivolcs.
Dakong alas-12:36 ng tanghali nang mangyari ang naturang pangyanig.
Ang epicenter nito ay naitala sa 9.17°N, 121.07°E – 016 km N 64° W ng Dalupiri Island sa munisipalidad ng Calayan.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng naturang lindo, na may lalim na 36 kilometers.
Pumalo sa Intensity V ang naramdamang lakas ng lindol sa Calayan.
Sa Pasquin, Ilocos Norte naman ay Intensity IV, habang Intensity III naman sa Paoay, at Ilocos Norte.
Sinabi ng Phivolcs na hindi naman nila inaasahan na masusundan ng mga aftershocks ang naturang pagyanig.