-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatang malapit sa Bayabas, Surigao del Sur nitong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang pagyanig bandang alas-9:19 ng gabi sa layong 50 kilometro hilagang-silangan ng Bayabas.
Una itong iniulat bilang magnitude 5.3 ngunit ibinaba kalaunan sa magnitude 5.0 bandang alas-9:54 ng gabi.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Intensity III sa Tandag City habang Intensity I naman ang naramdaman sa Nabunturan.
Sinabi ng mga state seismologist na wala namang inaasahang pinsala mula sa lindol
















