-- Advertisements --

Niyanig ng lindol na may lakas na Magnitude 4.4 ang bahagi ng lalawigan ng Aurora kaninang 5:07 ng umaga.

Natukoy ang epicenter sa 16.11°N, 121.82°E, 15 kilometro timog-kanluran ng Dinalungan, Aurora, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Casiguran, Aurora, habang Intensity I naman sa Baler at San Luis, Aurora.

Wala namang naitalang pinsala sa mga nabanggit na lugar.

Gayunman, pinag-iingat pa rin ang lahat sa posibleng aftershocks na maranasan sa mga susunod na oras.