Panalo ang Toronto Raptors matapos nilang masilat ang katunggali na Detroit Piston sa score na 115-111.
Pinangunahan ng point guard ng Raptors na si Dalano Banton ang kanyang koponan sa career-high score na 27 points, 5 rebounds at 4 assists.
Sa panig naman ng Piston, nakapag-ambag din ng kabuuang 21 points, 4 rebounds at 8 assists ang kanilang point guard na si Jaden Ivy.
Samantala, naitala naman ng Charlotte Hornets ang ikaapat na panalo matapos itong nakapagtala ng 11 sunod-sunod na talo.
Inilampaso ng Hornets ang katunggali nitong Orlando Magic sa score na 112-105.
Pinangunahan rin ni Mason Plumlee ang kanyang team na Hornets sa score na 18 points at 10 rebounds.
‘Di naman umubra ang score ni Wendell Carter Jr. para sa Magic na umabot 20 points, 4 rebounds at 4 assists. (with reports from Bombo Victor Llantino)