-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay ang mag-ina sa Barangay San Vicente, Leganes, Iloilo matapos makuryente.
Kinilala ang mga biktima na sina Mary Jane Navarro, 48 taong gulang, at limang taong gulang na anak na babae.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Roy Tayona, hepe ng Leganes Municipal Police Station, sinabi nito na nagpapahinga ang mag-ina sa loob ng kanilang bahay ng biglang bumagsak sa kanilang bubong ang electric wire ng street light.
Titingnan sana ng ina habang bitbit ang kanyang anak kung ano ang nangyari sa labas ng bahay ngunit natapilok ito sa sampayan na nakakabit sa bubong kung saan mayroong electric wire na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.









