Kinilala ang mga nahuli na sina Reynaldo aka ‘Teddy’ Luega Camacho, 50 anyos at asawa nito’ng si Carmelita Geraldez Cañeda.
Napag-alaman na ang mga nahuli ay mga mga posisyon umano sa nasabing grupo. Former secretary ang mg ito ng Kometing Rehiyonal Central Visayas, at kasalukuyang National Finance Commission staff ng Communist Terrorist Group.
Ayon kay Police Brigadier General Alberto Ferro ang PRO-7 Regional Director ang sila ang supplier nga mga explosive device sa Central Visayas. Involve din umano ang dalawa sa pagpang-ambush ng mga law enforcers, extortion at iba pang terroristic activity.
Nakuha mula sa operasyon ang isang 45 caliber pistol, dalawang fragmentation hand grenades, dalawang 38 revolver pistol at iba-ibang mga explosives
devices, explosives components kasama na rin ang subversive documents.
Nasa kustodiya ngayon ng PRO-7 ang mga nahuli matapos na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516.