-- Advertisements --
Nakatakdang maglalabas ngayong araw ang National Task Force Against COVID-19 ng guidelines para sa backriding sa motorsiklo.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang sistemang pinaiiral sa ngayon hinggil dito ay dahan-dahan at hinay-hinay.
Ayon kay Usec. Malaya, maliliit na steps muna ang ipinatutupad ngayon kaugnay sa pag-aangkas at pagdating ng mga susunod na panahon ay saka mapapayagan ang iba pang miyembro ng pamilya para makapag-angkas.
Inihayag ni Usec. Malaya na nariyan pa rin kasi ang COVID-19 at ang banta ng transmission ng infection.
Kaya sa ngayon umano ay tanging ang mag-asawa muna at couple ang pinapayagan para sa backriding o pag-aangkas.