-- Advertisements --

Kailangang puntahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga biyahe sa labas ng bansa lalo’t may kinalaman ito hinggil sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.

Sinabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na ang Pangulo, bilang CEO ng Pilipinas ay kailangang maging visible lalo’t marami ang kalaban sa paghikayat ng mamumuhunan.

Bukod dito sabi ni Concepcion ay nais ding marinig ng iba pang mga lider at mga foreign investors ang bisyon ng Pangulo, istilo sa pamamahala, maging ang line up ng kanyang gabinete, gayundin ang pribadong sektor na sumusuporta sa kanya.

Kaya ang Presidente bilang CEO ng Pilipinas, ayon kay Concepcion, ay hindi talaga makaiiwas sa biyahe sapagkat mahalagang mailatag nito ang kanyang bisyon sa mga mamumuhunan.

-- Advertisement --

Wala aniyang pinagkaiba ito sa kanilang mga company CEO na kailangang lumabas at maghanap din ng mag-iinvest sa kanilang kumpanya.