Magbabalik-aksyon sa Philippine Basketball Association o PBA ang Flashy Cebuano guard na si Mac Tallo matapos i-activate ng Converge FiberXers at papirmahin ng dalawang taong kontrata sa koponan.
Ayon kay PBA deputy commisioner Eric Castro na nagpadala ng sulat si Tallo kay Commsioner Wellie Marcial noong November 3, 2023
Kinumpirma din ito ng PBA Commisioner na maari ng makapaglaro ang 6’0 guard sa liga matapos ang anim na buwang ipinataw na suspensyon.
Matatandaang kinuha si Tallo ng TNT Katropa bilang 10th overall pick noong 2017 at kalauna’y nalipat sa NLEX.
Matapos ang kanyang karera sa Road warriors noong 2018 ay naiulat na nag-positibo ito sa drug test dahil dito pinatawan siya ng suspensyon.
Ngayong gabi, sasabak ang Converge sa aksyon laban sa Blackwater Bossing sa kanilang unang pagtatapat sa 48 Season ng PBA Commisioner’s Cup.