-- Advertisements --
image 717

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na isang mabagal na pagbuga ng lava ang naobserbahan sa Mayon Summit Crater.

Ayon sa ahensya, nagsimula ang renewed effusion alas-8:49 ng gabi.

Ito ay naobserbahan na may advanced lava flow sa Bonga, Mi-isi, at Basud Gullies at nakabuo ng incandescent rockfall sa loob ng dalawang kilometro mula sa summit crater.

Dagdag dito, sa mga naitatalang aktibidad ng nasabing bulkan, nananatili pa rin ang Alert Level 3.

Hanggang sa kasalukuyan, pinapayuan pa din ang publiko na umiwas sa paglapit sa 6Km danger zone ng bulkan upang matiyak ang kaligtasan mula sa pag-aalburuto ng naturang bullkan.