-- Advertisements --

Hindi pa ikinokonsidera ng British government na agahan ang pagtanggal ng lockdown.

Dominic Raab
British Foreign Secretary Dominic Raab/ Twitter image

Sinabi British Foreign Secretary Dominic Raab, na hanggang hindi pa bumababa ang kaso ng mga nadadapuan ng coronavirus ay hindi pa maaaring matanggal ang lockdown.

Kahit na nasa pagamutan ay mananatili pa rin si Prime Minister Boris Johnson sa pagdedesisyon kung tatanggalin na ba ang lockdown.

Umaasa naman ang mga opisyal ng United Kingdom na agad na makabalik at gumaling si Johnson.