-- Advertisements --
Muling ilalagay ang Luzon grid sa yellow alert mamayang hapon dahil nananatiling naka-forced outage ang 16 na planta ng kuryente ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa inilabas na advisory ng ahensiya ngayong araw, ang Luzon grid ay ilalagay sa ilalim ng yellow alert mula alas-3 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon.
Iniisyu ang yellow alert kapag ang operating margin ay hindi sapat para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.
Sa kasalukuyan, mayroong available capacity sa Luzon na 15,167 megawatts habang ang peak demand ay inaasahang papalo sa 13,714 megawatts.