-- Advertisements --
Agaw pansin sa pagpapatuloy ng hearing ng Senate blue ribbon committee ang naungkat ni Sen. Risa Hontiveros na binibenta na pala sa internet ang mamahaling sasakyan ni Pharmally treasurer Mohit Dargani.
Naglabas pa si Hontiveros ng ilang screen grab ng nasabing item sa Facebook.
Pero giit ng Pharmally official, “prank” lang iyon ng kaniyang kaibigan at hindi talaga siya ang nag-post sa Facebook Market Place.
Duda naman ang mga senador sa paliwanag ni Dargani ukol sa nasabing pagbebenta ng sasakyan.
Sa ngayon, pinaaaresto na si Mohit at ang kapatid niyang si Twinkle dahil sa pagmamatigas na isumite sa Senado ang ilang mahahalagang dokumento.