-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Idineklara na bilang Drug Cleared City ang Cauayan City at isa sa unang dalawang lungsod sa buong Pilipinas na nakakuha ng nasabing titulo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Esem Galiza, Chief ng City Community Affairs and Development Unit ng Cauayan City Police Station, sinabi niyang hindi nila makakamit ang nasabing pagkilala kung walang tulong ang komunidad at iba pang stakeholders.

Aniya, hindi ito nangangahulugan ng pagtigil ng kanilang hanay sa pagsugpo sa iligal na droga sa halip ay motibasyon na magpapatuloy pa.

Maliban sa Cauayan City ay nakuha rin ng City of Ilagan ang nasabing titulo sa awarding ceremony na ginanap kahapon sa Tuguegarao City.