-- Advertisements --
Ibinebenta ngayon sa isang auction house sa halagang $2.5 million ang isang bahagi ng buwan o lunar meteorite.
Ang lunar meteorite o kilalang NWA 12691 ay natagpuan sa Sahara Desert dalawang taon na ang nakakalipas.
Tumitimbang ito ng 13.5 kilograms na siyang pang-15 na pinakamalaking piraso ng buwan.
Sinasabing natanggal ang nasabing bato sa bahagi ng buwan ng ito ay tamaan ng asteroid.
Nasa 30 meteorites mula sa nasabing meteor shower ang natagpuan sa Northwest Africa.
Magugunitang noong 1972 ng iuwi ng Apollo 16 astronauts ang kahalintulad na specimen na tinawag na “Big Muley” at ito ay may bigat ng 11.7 kilograms.