-- Advertisements --

Kinuha ng Cleveland Cavaliers bilang asistant coach nila si Luke Walton.

Si Walton ay tinanggal bilang head coach ng Sacramento Kings dahil sa mahinang record ng koponan ngayong 2021-2022 season.

Bago naging coach ng Kings ay naging coach siya ng Los Angeles Lakers noong 2016-2017.

Ang 42-anyos na si Walton ay dating NBA player sa loob ng 10 seson kung saan nagtapos ito sa paglalaro sa koponan ng Cavs noong 2012-2014 na mayroong average na 3.4 points per game.