Pinalawig pa ng Land Transportation Office ang validity o bisa ng registration ng ilang mga sasakyan.
Kabilang dito ang mga sasakyag may plate numbers na nagtatapos sa 8,9 at 0.
Ayon sa LTO, ang mga sasakyan na may plate number na nagtatapos sa 8 ay maaari pang maextend ang bisa ng kanilang registration hanggang Setyembre 30 ng kasalukuyang taon, ang mga sasakyan naman na may plate number na nagtatapos sa 9 ay hnaggang October 31 at sa mga sasakyan na may plate number na nagtatapos sa numerong 0 ay hanggang November 30, 2022.
Nakatakda namang makipagkita ang LTO sa information technology services providers nito upang mapag-usapan ang aberya sa pagpaparehistro at pagkuha ng lisensiya.
Paliwanag naman ni LTO National Capital Region director Clarence Guinto, kasalukuyang nakakaranas ng downsystem o glitches ng kanilang Land Transportation Management System portal.
Nasa transition period kasi ang LTO sa dalawang IT service providers nito.