
Tiniyak ng Land Transportation (LTO) na gagawa ito ng mga hakbang para mas mapabilis ang pamamahagi ng libu-libong unclaimed na plaka sa Central Visayas.
Kung matatandaan, ang hepe ng LAND Transportation Office (LTO) na si Vigor Mendoza II (kaliwa) at pinuno ng LTO-Central Visayas na si Glen Galario ay nag-inspeksyon sa libu-libong hindi na-claim na plaka sa storage facility ng LTO-7 sa Talisay City, Cebu.
Tiniyak ito ni Vigor Mendoza II nang bumisita siya sa storage facility ng LTO-Central Central Visayas.
Ang 3.5-hectare na pasilidad sa Talisay City, Cebu ay mayroong 71,564 na unclaimed motor vehicle plates at 528,772 motorcycle plates.
Sinabi ni Mendoza na dapat ipaalam sa mga may-ari ng sasakyan na handa na ang kanilang mga plaka para sa pag-pickup.
Para magawa ito, sinabi ni Mendoza na kailangang mapabilis ang proseso ng pag-upload ng data ng mga unclaimed licensed plates.










