-- Advertisements --

Pabor ang head ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpatupad ng isang reasonable na taas-singil sa pamasahe na magbebenipisyo umano hindi lamang sa mga city at provincial buses kundi maging sa mga mananakay.

Inihayag ito ni LTFRB chair Cheloy Velicaria-Garafil matapos ang unang pagdinig sa petisyong inihain ng mga bus operator na humihirit ng fare hike dahil sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa LTFRB official, hindi tinutulan ng grupo ng mga commuter ang rate adjustment dahil batid ng mga ito ang epekto ng mataas na oil price bagamat humihirit din ang mga ito kung maaaring babaan ang fare hike.

Paliwanag ni garafil na kailangang maging balanse sa pagtukoy ng fare hike upang ang mga bus operator ay makapagdeploy pa ng mas maraming buses sa mga kalsada habang pinoprotektahan ang mga commuters mula sa mataas na rate adjustment.

Kaugnay nito, inatasan na ng LTFRB ang mga bus operator na magsumite ng kanilang position papers habang naatasan na rin ang National Economic and Development Authority, the Department of Energy, at ang Department of Trade and Industry na magsumite rin ng kanilang position papers para sa secientific at well though out bases para sa fare increase.

Una rito, humiling ang grupo ng bus companies na Mega Manila Consortium sa LTFRB ng P7 fare increase para sa first 5 kms para sa air conditioned bus at P4 naman para sa ordinary bus.

Sa panig naman ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, humiling ng additional fare increase na P50 kada 100 kilometers.