-- Advertisements --
Magsasagawa ng random checking ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung ang mga pampasaherong jeepneys ay bahagi na ng kooperatiba.
Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz, na kasama nila ang Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa inspection.
Bukod pa dito ay lalagyan nila ng stickers ang mga jeep na nagpapatunay na sila ay naka-consolidate na.
Magugunitand nanindigan ang LTFRB na maituturing na colurom ang mga jeepney na hindi nakapag-consolidate ng hanggang Enero 31.










