-- Advertisements --
image 528

Balik na sa normal na operasyon ang Light Rail Transit-Line 1 (LRT 1) mula Baclaran station patungo sa Fernando Poe Jr o dating kilala bilang Roosevelt station at vice versa.

Sa inilabas na advisory ngayong araw, inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na nakumpleto na nito ang lahat ng track work kabilang ang operational tests at safety clearances.

Wala aniyang pagbabagosa regular service schedule para sa huling biyahe nito ngayong araw ng Sabado.

Ang huling biyahe sa tren mula Baclaran station ay aalis dakong 9:30 pm habang ang huling tren naman mula sa FPJ station ay aalis bandang 9:45 pm.

Matatandaan na noong Agosto 20, half-day operation lamang ang LRT-1 dahil sa ginawang system upgrade activities sa naturang linya ng tren.