-- Advertisements --
Ipinakilala na ng Department of Tourism ang bagong slogan para sa promosyon ng turismo sa bansa.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Department of Tourism ay pormal ng inilunsad ni Tourism Secretary Christina Frasco ang bagong slogan na “Love The Philippines”.
Ayon sa kalihim na ang nasabing slogan ay nangangahulugan ng maraming mga magagandang tanawin sa bansa na dapat ay mahalin.
Umaasa ang kalihim na sa nasabing slogan ay mas lalong lalago pa ang sektor ng turismo sa bansa.