Hinamon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Joma Sison na totohanin nito ang kanyang “terror threats” sa gitna ng deployment nang partisan units ng rebeldeng komunista laban sa mga tropa ng pamahalaan.
Ginawa ni Lorenzana ang pahayag na ito matapos sabihin naman ni CPP chief information officer Marco Valbuena na muling bubuhayin ang kanilang partisan units.
Ayon sa kalihim, mas handa na ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para talunin ang aniya’y “terrorist liquidation squads” ni Sison, kumpara noong 1980’s.
Dagdag pa nito, ang deployment nang partisan units ng rebeldeng komunista ay “confirmation” lamang nang designation ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa CPP-NPA bilang terrorist organization.
Samantala, nangangako naman ang Defense Chief na wawakasan ng pamahalaan ang aniya’y “distructive 52 years of misadventure” na idinulot ng mga rebeldeng NPA sa publiko.










