-- Advertisements --

Inihayag ni National Bureau of Investigation Dir. Atty. Melvin Matibag na kanilang patuloy na bineberipika ang impormasyon natatanggap ukol sa lokasyon ng puganteng si Charlie ‘Atong’ Ang.

Ayon sa naturang direktor, sinusuri pa ng kawanihan ang mga ito lalo pa’t mayroon nagsasabing nasa loob pa ng bansa si Ang habang ang iba’y nakalabas na ng Pilipinas.

Kung kaya’t ibinahagi ng opisyal na siya’y nagtalaga na ng partikular na grupo tututok sa paghahanap sa negosyanteng si Atong Ang.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nahahanap ang akusado sa kabila ng mga kasong kinakaharap nito may kaugnayan sa pagkawala ng mga sabungero.

Nahaharap siya sa kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping and serious illegal detention’.