Agad na nagdeklara ng suspensyon sa primary at secondary level sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan ang lokal na pamahalaan ng Pilar, Abra ngayong araw.
Kasunod ito ng naging engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng militar at mga rebelde ng komunistang teroristang grupo na New People’s Army bandang alas-11:50am hanggang alas-7:00pm kahapon, Abril 2, 2024.
Sa ulat ni 501st Brigade Civil Militar Operations Officer Maj. Bryan Albano, naganap ang naturang sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng 50th Infantry Battalion at mga kasapi ng NPA North Abra Guerrilla Field Committee sa boundary ng Nagcanasan, Pilar, Abra, at Babalasioan, Sta. Maria, Ilocos Sur.
Ayon naman kay 5th Infantry Division Commander MGen. Audrey Pasia, ito na ang ikalimang engkwentro ng militar at communists terrorist group sa lalawigan ng Abra sa unang bahagi pa lamang yan ng kasalukuyang taon.
Gayunpaman ay nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kinauukulan sa mga residente sa Nagcanasan dahil sa pag-uulat at pagbibigay nito ng General information sa militar hinggil sa kuta ng mga rebelde.