-- Advertisements --

Maari pang higpitan ang restrictions na umiiral ngayon sa ilalim ng enhanced community quarantine sapagkat mas nakakagalaw ngayon ang publiko kumpara sa mga naunang lockdowns, ayon sa isang miyembro ng OCTA Research group.

Ayon kay Dr. Guido David, ang quarantine restrictions sa ECQ ngayon ay mas maluwag kumpara sa nakalipas na lockdowns na ipinatupad noong Marso at noong nakaraang taon.

Mayroon pa rin nga kasing mga grupo ng tao na nagawa pa ring magdaos ng social gatherings sa Metro Manila kahit nasa ilalim ng ECQ ang National Capital Region.

Gayunman, hinimok ni David ang publiko na iwasan na muna ang paglabag sa mga quarantine protcols tulad ng social gatherings para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Ang nararanasan kasi aniyang pagtaas sa COVID-19 cases sa ngayon ay bahagyang kapareho sa naranasan noong Marso ng taong kasalukuyan subalit sa kasalukuyan ang pagtaas ng infection rates ay bahagyang mas mabagal.