-- Advertisements --

Maraming fans ni Liza Soberano ang humikayat sa young actress na huwag palampasin ang natanggap na banta ng panggagahasa.

Ito’y bagama’t humingi na ng public apology ang babaeng empleyado ng dating internet provider ng 22-year-old actress matapos ang pagbabanta na ito ay ipapagahasa.

Ayon kay Liza o Hope Elizabeth sa tunay na buhay, kahit tahimik lang siya ay nangangamba rin sa kaligtasan dahil malinaw na naka-record na ang kanyang address sa Converge Telecommunication.

Una nang idinaan ang nasabing rape threat sa pamamagitan ng simpleng pagkomento, bagay na agad nag-trending lalo’t marami ang nakapag-screenshot nito kahit burahin pa.

Dito ay tila napikon kay Soberano ang nagbanta kasunod ng reklamo hinggil sa pangit na serbisyo.

Sa panig ng nagngangalang Melissa Olaes, aminado ito na naging insensitive sa usapin ng RAPE at hindi raw nito akalain na ang “random thought” lang sa kanya ay makakasakit pala sa kapwa.