Idineklara ng Department of Health (DOH) ngayong araw ang limang lugar sa National Capital Region (NCR) na nasa moderate risk kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Sinabi ni DOH spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim na ngayon ng moderate risk classification ay ang Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina at Pateros.
Ayon sa DOH, ang isang lugar ay mauuri bilang moderate risk kung ito ay may positive two-week growth rate sa bilang ng COVID-19 cases at average daily attack rate (ADAR) na nasa pagitan ng 1 hanggang 7.
Ang ADAR ay ang insidente na nagpapakita ang average na bilang ng mga bagong kaso sa isang panahon bawat 100,000 katao.
Gayunpaman, sinabi ni Vergeire na isa lamang sa limang nabanggit na lugar ang may bahagyang pagtaas sa kanilang hospital utilization.
Iginiit naman ng opisyal ng DOH na hindi kailangang maalarma.