Napatay sa engkwentro sa pagitan ng tropa ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion, Philippine Army at mahigit kumulang 5 Communist NPA Terrorists (CNT) ang isang umano’y lider ng New People’s Army(NPA) matapos ang palitan ng putok kahapon Enero 10, sa Sitio Banderahan, Brgy Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.
Kinilala ng mga impormante ang nasawi na si Orlando Fat alyas Banban, residente ng nabanggit na lugar.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang 62IB tungkol sa presensya ng mga teroristang grupo na nangingikil, nananakot, at nanggigipit ng mga residente sa lugar kaya naman ito nirespondihan.
Habang papalapit ang mga tropa ng pamahalaan, pinaputukan sila ng mga ito na tumagal ng 5 minuto-engkwentro.
Narekober naman sa ecounter site ang isang cal. 45 pistol na may dalawang magazines na may limang bala; 3 empty steel magazine at 1 empty plastic magazine ng M16 Rifle; sang magazine pouch at isang holster ng cal. 45 pistol; backpack na may personal na gamit at mga subersibong dokumento.
Ayon pa na ang napaty ay isang Political Instructor (PI) ng Section Guerilla Unit 3 (SGU3), Central Negros Front 1 (CN1), Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol and Siquijor (KR-NCBS) na nag-operate sa tri-boundaries ng Guihulngan City, Canlaon City Negros Oriental at Moises Padilla, Negros Occidental.
Muli namang nananawagan ang mga otoridad sa mga natitirang NPA na sumuko nang mapayapa, isuko ang kanilang mga baril at magbalik-loob na sa pamahalaan para mamuhay nang mapayapa at makapiling ang kanilang pamilya.