Inulat ng pamunuan ng Light Rail Transit 2 na magbibigay sila ng libreng sakay para sa mga kababaihan pasahero nito.
Ayon sa LRT-2 , ito ay bilang bahagi ng pakikiisa nila sa pagdiriwang ng Women’s Day sa darating na Marso 8 ng kasalukuyang taon.
Sa inilabas na abiso nito, ang kanilang mga babaeng pasahero ay maaaring makapag avail ng libreng sakay mula alas 7 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga .
Magsisimula rin ang pangalawang bugso ng libreng sakay pagsapit ng alas 5 ng hapon hanggang ala 7 ng gabi sa naturang araw.
Sa isang pahayag, sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, ang libreng sakay na kanilang handog ay pagpapakita lamang ng pagkilala sa mga naging tagumpay ng mga kababaihan maging ang kanilang galing, at talento sa kanilang larangan at komunidad.
Sinabi rin ng pamunuan na ito ay isang simpleng pamamaraan ng pa sasasalamat ng kanilang kumpanya sa mga kontribusyon ng mga kababaihan sa ating lipunan. (With reports from Bombo Victor Llantino)