-- Advertisements --
image 25

Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaaring magpatuloy sa taong ito ang libreng sakay.

Nakapaglaan ng pondo para sa libreng sakay mula sa pambansang pondo ngayong 2023.

Ayon pa kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) technical division head Joel Bolano, ang Department of Transportation ay bumubalangkas na ng guidelines para sa libreng sakay.

Nauna nang sinabi ni Sen. Sonny Angara na may P2.16 bilyon ang inilaan para sa programa, mas mababa sa P12 bilyon na hiniling ng Department of Transportation (DOTr).

Ngunit, nilinaw nito na hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung aling mga lugar ang sasakupin ng libreng sakay dahil sa limitadong budget.

Napag-alaman na ang EDSA Bus Carousel ay walang bayad mula noong Nobyembre 2020, nang bigyan ng subsidiya ng gobyerno ang pamasahe para sa mga pasahero sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Nagsimulang maningil muli ng pamasahe ang busway nitong linggo.