CENTRAL MINDANAO-Magpapatuloy ang pagbibigay ng libreng serbisyo ng ambulansya ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato para sa mga Kabacaño.
Ito ang inihayag ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman. Kasabay ito ng pagharap ng dalawang Ambulance Driver ng bayan. Aniya, bagamat mataas ang presyo ng gasolina sa ngayon, ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga residente na nangangailangan ng tulong.
Panawagan ni Mayor Gelyn sa mga nais makagamit ng ambulansya magtungo sa kanyang opisina isang araw bago gumamit ng transportasyon upang maisaayos ang schedule.
Tanging ang tanggapan lamang nito ang magdedeklara na pupuwedeng gamitin ang ambulansya maliban na lamang sa mga emergency situations.
Sa kabuan mayroong limang ambulansya ang bayan. Dalawa ang nakatalaga sa Rural Health Unit, Dalawa sa pagbibigay ng serbisyo at isa para sa mga yumaong minamahal sa buhay.