-- Advertisements --

Masayang ibinalita ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang pakikipagtulungan sa isang business process outsourcing (BPO) para tulungan ang mga empleyado ng tourism sector na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Mahigit 10,000 trabaho sa call center para sa mga gustong pumasok bilang customer service representatives, technical support, supervisors o managers ng international o local account.

Ang mga gustong mag-apply ay kakailanganin lamang ng high school diploma.

Ang registration links ay makikita sa official Facebook page ng DOT.

Magsisimula ang virtual job fair sa September 22, 24, 29 at October 1 para sa Luzon.

September 17, 18 at October 1 para naman sa Visayas, at September 15 at 16 para naman sa Mindanao.