Sinalubong ng kaliwa’t kanang tear gas at water cannon ang libo-libong nagsagawa ng kilos-protesta sa Hong Kong bilang pagtutol sa pinaplantsang national security law ng China sa naturang lungsod.
Nagkalat ang mga napo-protesta sa Causeway Bay at Wan Chai habang ang iba naman ay naglagay ng harang sa mga daan.
Bilang babala ay nagtataas muna ng asul na watawat ang mga kapulisan sa Hong Kong bago magbato ang mga ito ng tear gas sa mga taong nagtipon-tipon sa labas ng Sogo deaprtment store.
Isang armoured vehicle at water cannon naman ang paikot-ikot sa Hennesy Road kung saan sakay ng mga ito ang special tactical squad ng mga pulis na tumutulong din sa pag-kontrol ng kaguluhan.
Kamakailan lamang nang ianunsyo ng China’s National People Congressang pagpapatupad sa national security legislation na magbibigay pahintulot sa mga otoridad ng China na magtayo ng mga agency at gawin ang kanilang tungkulin sa Hong Kong.
Inaasahan namang maipapasa ang panukalang ito sa May 28.